Home About Us ▾ News, Headlines, and Updates Archives Downloads
Get Started..

NEWS, HEADLINES, AND UPDATES ARCHIVES

2018 - 2019 2017 - 2018

News | November 27, 2019
JDPNHS, IKAWALONG PWESTO SA TAUNANG TAGISANG NG TALINO SA AGHAM 2019
Ni Julliah Trixie Sancho

Sinungkit ng magkatambal na mag-aaral na sina Jessian Canindo (G10) at Patrick Brent Ramirez (G10) ang ika-8 pwesto sa taunang Tagisan ng Talino sa Agham na nilahukan ng 16 na paaralan sa Sangay ng Marikina na ginanap sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Jesus Dela Pena noong ika-13 ng Nobyembre 2019.

Ang dalawang mag-aaral ay sumabak sa labanan ng paglutas ng problema gamit ang kani-kanilang solusyon sa pagbuo ng “scientific innovation” sa takdang oras. Sa tulong ng kanilang gurong tagapagpayo na si Mrs. Salavcion Adona ang dalawang mag-aaral ay nahasa at nagdala ng karangalan sa ating paaralan.

News | October 29, 2019
FABIAN, SINUNGKIT ANG IKA-7 PUWESTO SA REGIONAL SCHOOL PRESS CONFERENCE NG NCR SA KATEGORYANG PAGKAKARTUNG EDITORYAL
Ni Maru U. Panganiban

Inuwi ng mag-aaral na si Christian Aaron Fabian mula sa ika-12 na baitang ang ika-7 puwesto sa nakaraang Regional School Press Conference ng NCR na ginanap sa Mababang Paaralan ng Aurora Quezon sa lungsod ng Maynila, ika-9 ng Oktubre.

Sa 160 na mga kalahok sa kategoryang Pagkakartung Editoryal, ang ating pambato na si Fabian ay dinaig ang 153 na iba pang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng Pambansang Punong Rehiyon (NCR).

Matutunghayan sa kaniyang ginuhit ang mga mahahalagang simbolo na bumuo sa konseptong may kaugnayan sa Republic Act No. 11203 o Rice Tarrification Law na mismong ibinigay sa araw ng patimpalak.

Si Fabian ngayon ay naghahanda na para sa kaniyang pagtatapos sa darating na Marso at magsisimula na sa pagtahak sa kursong may kaugnayan sa pamamahayag.

“Sa wakas, may naiambag na rin ako sa JDP!”, sambit ni Fabian matapos niyang mabalitaan ang kaniyang pagkapanalo.

News | October 7, 2019
SOLUTION TO OCEAN POLLUTION
By Alexander C. Buelva

Excessive pollution in the oceans is one of the major problems that the world is facing. Many agencies and groups of experts are working rigidly to solve this.

Recently two students named Jenny Yao and Miranda Wang developed a bacteria called Ideonella Sakaiensis which is capable of breaking down and of (Polyethylene Terephthalate) PET which is the commonly used type of plastic in the world.

Each year, it is estimated that up to 13 million metric tons of plastic waste ends up in the ocean which kills marine animals. The developed bacteria might just be the solution to the pollution. The project already has patents and also earned 400 million dollars to start developing the product.

The development of this technology is divided into two parts: First the plastic is dissolved and the enzymes as catalyst whereby the plastic becomes highly malleable fractions. These components are placed in a biodigester station where they behave as if they were left over food. The project only runs in 24 hours to move plastic to water.

This project is promising and this would be of great help since it’s impossible to stop people from using plastic.

Source:Physics and Astronomy Zone

News | October 1, 2019
JDPNHS JOURNALISTS BAGGED 10 GOLD MEDALS FROM THE 21st DSPC
By Rune Arys A. Lapid

JDPHNS English and Filipino Journalists bagged 10 gold medals from the 21st Division Schools Press Conference and Contests held at Concepcion Elementary School on September 13, 2019 .

The 10 winners from Jesus Dela Peña National High School are moving on to represent Marikina Division in the Regional Schools Press Conference (RSPC) on October 8, 9 and 10 at Aurora Quezon Elementary School, Malate, Manila.

The 5 winners from English Category are ranked from 4th to 7th place respectively: Loraine Grace Bautista (Photo Journalism), Christian D. Palanas (Feature Writing), Keisha Gail Francisco (Copy Reading and Headlining), Jomari Merida (Editorial Cartooning), and Sophia Hernandez (Photo Journalism). As for the remaining five, they landed 2nd, 3rd, 6th, and 10th place in the Filipino Category respectively: Renzo Valencia Tante (Pagsulat ng Balitang Isports), Juliah Trixie B. Sancho (Pagsulat ng Balita), Paula Marantal (Pagwawasto at Pag-uulo), Christian Fabian (Pagkakartung Editoryal), and Whengcel Lunag (Pagsulat ng Kolum).

News | September 27, 2019
JDPNHS SINUNGKIT ANG DISTRICT MEET
Ni Renzo V. Tante

Umupo sa trono patungong Pansangay na Palaro ang Jesus Dela Peña National High School matapos manalo kontra Barangka National High School noong ika-13 ng Setyembre 2019.

Sumabak sa matinding labanan ang bata ng Jesus Dela Peña nang talunin ang dalawang paaralan mula Unang Distrito patungo sa Pansangay na lebel.

Haharap ang JDPNHS Mens Volleyball team sa matinding pagsasanay sa loob ng isang linggo bago sila lumaban sa darating na Oktubre. Inaasahan ng ating koponan ang mga malalakas na kalaban mula sa MARIPRISAA at mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Marikina. Mas lalo pa nilang pinagtitibay ang kanilang relasyon at pagkakaibigan para sa isang kaabang-abang na laban.

News | September 26, 2019
JDPNHS STUDENT SOARS HIGH AT THE DIVISION SCIENCE AND TECHNOLOGY FAIR 2019
By John Paul A. Morpe

Mark Christian Reyes, a Grade 9 student won Fourth Place in the Science Quiz Bee during the Division Science and Technology Fair last September 25, 2019 held at Parang Elementary School, trained by Ms. Mary Grace J. Masongsong with the support of the Science Department Coordinator Ms. Salvacion Adona.

“I have trust to Christian. He is very alert and willing to listen. He never complained about the bunch of reviewers I asked him to read. His eagerness to learn and win really paid off,” his coach, Ms. Masongsong affirmed.

Aside from Christian, the three students, Enrico Buenaventura (G7), Annalise Dela Cruz (G8), and Lance Faith Cepe (G10) also represented the school and joined the said competition. The four delegates of JDPNHS exhibited efforts in scientific skills to bring pride to school.

Reyes’ journey is not yet done. He will represent the Division of Marikina in the upcoming Regional Science and Technology Fair (RSTF) 2019.

News | September 18, 2019
JDPNHS, KAMPEYON SA 2019 PANSANGAY NA TAGISAN NG TALENTO
Ni Maru U. Panganiban

Nasungkit ng apat na mag-aaral ang unang puwesto para sa taunang Pansangay na Tagisan ng Talento na nilahukan ng 16 na paaraalan sa Sangay ng Marikina. Pumangalawang puwesto rito ang Marikina Science High School at pangatlong puwesto naman ang Fortune High School.

Ang mga mag-aaral na sina Keisha Gail Francisco (G7), Clarisse Guillermo (G8), Shereign Silaba (G9), at Seth Nicole Torres (G10) ay kinatawan ng Dibisyon ng Marikina bilang isang pangkat para sa Rehiyonal na Tagisan ng Talento sa darating na Nobyembre 2019 sa Lungsod ng Maynila.

News | March 6, 2019
PAGDIRIWANG NG BUWAN NG KABABAIHAN
Ni Shereign Silaba

Tuwing sasapit ang buwan ng Marso ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Kababaihan at pagsapit ng ika-8 ng buwang ito, idinaraos ang International Women’s Day. Layunin nito na bigyang-parangalan at makilala ang kababaihan sa kanilang tapang at galing sa pakikibaka upang maiangat ang kanilang kalagayan sa lipunan. Ang pagdiriwang na ito ay batay sa Proclamation No. 224 at Proclamation No. 227 na nilagdaan ng dating Pangulong Corazon C. Aquino noong Marso 1 at Marso 17, 1988.

Kaya naman, inilunsad ng ating paaralan ang munting programa na pinangunahan ng GAD Advocates at tagapayo nito na si Bb. Flerida D. Venzon. Binigyang pansin ang pagbibigay respeto ng mga kalalakihan sa mga kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak na inihanda rin mismo ng nasabing grupo ng mga mag-aaral.

Nabanggit din dito na ang respeto ay hindi lamang ipinapakita sa mga kababaihan kundi gayundin sa mga kalalakihan at lalonglalo na sa mga nakatatanda sa atin. Gaya na lamang ng sinabi ng ating mahal na punongguro na si Ginoong Joseph T. Santos, “ang respeto ay mahalaga at ito ay mahalagang taglayin ng bawat isa sa atin. Respeto sa sarili at sa kapwa natin ay mahalaga dahil bilang isang taga Marikina na may mabuting ugali, tayo ay may respeto at disiplina”.

News | February 14, 2019
BAITANG 10, NAGSAGAWA NG CAREER GUIDANCE
Ni Princess Pampilo

Nagsagawa ng SHS Career Guidance ang paaralang Jesus Dela Pena National High School noon ika-12 ng Pebrero na ginanap sa Marcy Hall. Layunin nitong matulungan ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang sa kanilang pagpilli ng kanilang Senior High School Track. Layunin rin nitong maipakita ang mga tracks na iniaalok ng mga naturang paaralan. Ang kinatawan mula sa Tanong High School ay tinalakay ang tatlong track na kanilang iniaalok tulad ng GAS, TVL at ABM.

Ang isinagawang programa ay pinangunahan ng mga mag-aaral na sina John Reymond Acierto ng Grade 12- Java at Hannah Misa ng Grade 11-Intel. Ang programa ay sinimulan sa isang taimtim na panalangin. Ito ay sinundan ng isang mensahe mula sa ating kagalang-kagalang na punongguro na si G. Joseph T. Santos. Sinundan naman ito ng pagtalakay ng koordineytor ng Senior High School na si Bb. Senado tungkol sa mga tracks na iniaalok ng ating pinakamamahal na paaralan.

Ang programa ay pinagtibay ng mga patotoo mula sa mga piling mag-aaral mula sa baitang 11 at 12. Samantala, nagkaroon naman ng bahagianan mula sa mga piling mag-aaral ng ika-7 baitang tungkol sa kanilang mga pangarap kaugnay sa pagpili ng programang eLearning na makatutugon sa kanilang mga mithiin sa kursong may kaugnayan sa Information Technology.

Sa pagtatapos ng career guidance, nagbigay ng panapos na pananalita ang ASP II na si G. Antonio Andres. Nag-iwan siya ng ilang mga paalala sa pagpili ng tama at angkop na kurso para sa bawat isa. Binanggit din niya sa kaniyang salaysay na “ ang ating kinabukasan ay nasa ating mga kamay”.

News | February 4, 2019
REPUBLIC ACT 10627, OTHERWISE KNOWN AS THE ANTI-BULLYING LAW ACT OF 2013
By Leslie Michelle M. Salceda

Bullying involves three personalities: “The Bully”, “The Person Being Bullied”, and “The Audience”. This is one of the highlights of the campaign about “Anti-Bullying Law (Act of 2013) (Republic Act 10627)” held at Jesus Dela Peña National High School’s eLearning Resource Center conducted by the Zonta Club of Marikina City as part of the programs of the JDPNHS Prefect of Discipline last February 1, 2019.

The objectives of this campaign is to educate and raise students’ awareness about the Anti-Bullying Act, where video clips about different bullying scenarios were presented, and types of bullying and the things that the students need to do and remember were discussed.

From the discussion, students were very much enlightened about the types of bullying which includes: physical bullying, verbal bullying, gender-based bullying, emotional bullying, social bullying, and cyber bullying - any type of these must be reported to any person in authority and must be given an immediate action.

Moreover, students were also informed that anyone who is reported as the bully may be given suitable sanctions based on investigations. The sanctions could be a written reprimand, suspension(s), community service, or an expulsion depending on the level of bullying being done to the victim.

On the other hand, the campaign became more informative and interactive with the questions being raised by the students as well as the teachers. All the questions were answered and explained well.

The students were also very much gratified about the Anti-Bullying Act campaign, because, aside from the information being nourished to them, snacks and drinks were also given.

News | February 1, 2019
MUNTING BASURA IBULSA MUNA
Ni Maru U. Panganiban

Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang kampanyang “munting basura, ibulsa muna” sa pangunguna ng mahal na Mayor Marcelino R. Teodoro kasama ang ilang mga opisyal ng lungsod at Kagawaran ng Edukasyon mula sa dibisyon ng Marikina sa pangunguna ng tagapamanihala ng mga paaralan na si Dr. Joel T. Torrecampo.  Layunin ng kampanyang ito na manumbalik sa isip, sa kilos, at sa gawa ang pag-uugali ng mga Marikenyo sa pagiging disiplinado pagdating sa sarili sa pamamagitan ng pagtatapon ng munting basura sa tamang lugar.

Sinimulan ang programa sa pambungad na pananalita na pinangunahan ng punongguro ng paaralan na si G. Joseph T. Santos. Pinatimo ng punongguro sa mga mag-aaral na ang mga taga Jesus Dela Pena ay taga-Marikina at may mabuting ugali.

Samantala, nagbigay naman ng kaniyang inspirasyunal na mensahe tungkol sa kampanya ang gurong si Bb. Jane Ethel S. David. Binigyang pansin ni Bb. David ang mga mahahalagang pag-uugali kaakibat ng pagsunod sa kampayang munting basura, ibulsa muna.

Sa pagdating ng mahal na Mayor Marcy ay nagkaroon ng presentasyon na nagpatingkad sa programa ang awit at sayaw na binuo ng mga mag-aaral mula sa Marikia Science High School.  Sabay-sabay na sinayaw ng mga nagsidalo sa programa ang “Munting Basura, Ibulsa Muna Dance”.

Sa pagtatapos ng programa ay sabay-sabay na binuksan at kinain ang biskwit at sabay-sabay ring ibinulsa ang munting basura na naging pokus ng kampanya.

Pinasigla rin ng programa ang ilan sa mga laro na inihanda ni Mayor at ito ay sa pamamagitan ng mga tanong na may kaugnay sa programa.  Ang bawat mag-aaral na nakasagot ay nakatanggap ng 500 piso bilang pabuya.  Sa huli, pumili ng anim na mag-aaral na silang nagpakitang-gilas sa pagsayaw at pareparehong nakatanggap ng 500 piso at ang isa ay nakatanggap naman ng 1,000 piso.

Maaalala na ang lungsod na Marikina ay ginawaran bilang “City in the Pink of Health” dahil sa kaayusan at kalinisan mula sa sarili hanggang sa kapaligiran.  Kaya naman, ang ugaling ito ay muling sinimulan at binuhay sa pamamagitan ng aktibo, makasaysayan at kapupulutan ng aral hindi lamang sa paaralan kundi hanggang sa kani-kanilang mga tahanan dahil ang disiplina ay nagsisimula sa pagtatapon ng tama, munti man ang basura.

News | January 22, 2019
JDPNHS, ITATAMPOK SA CHANNEL 13
Ni Maru U. Panganiban

Mapapanood sa darating na Pebrero 10, ganap na ika-5 ng hapon hanggang 6 ng gabi sa channel 13 (IBC 13) ang isang segment tungkol sa edukador na may pamagat na “School of the Future”. Tampok rito ang ating programang eLearning at mga piling mag-aaral mula sa baitang 10. Matutunghayan dito ang idealistiko patungong realistikong pagtingin sa edukasyon ng ating bansa para sa ika-21 na siglo sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto gamit ang teknolohiya.

Tatalakayin din sa nasabing programa ang mga isyu at hamon para sa mga edukador ng ating bansa. Kinapanayam dito ang ilang mga opisyal mula sa DepEd Marikina kabilang ang punongguro ng ating paaralan, G. Joseph T. Santos.

Sama-sama nating abangan at panoorin ang kauna-unahang segment na pantelebisyon na tampok ang ating pinagmamalaking programang eLearning ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Jesus Dela Peña.

Headlines | January 13, 2020
PALARONG PAMBANSA 2020
Headlines | November 22, 2019
#TATAKJDPNHS

Jinny Babes C. Faderogao won 1st Place in 2019 Lions Club Peace Poster Making Contest

Lions Club Peace Poster Making Contest 2019 Winners

1st Place - Jinny Babes C. Faderogao
2nd Place - Roseve Joy C. Legaspi
3rd Place - Hanna Kim M. Alcaide

Headlines | April 17, 2019
ELEARNING TESTIMONIAL
April 17, 2019
eLearning Program
Headlines | February 21, 2019
CONTINUES EXECUTION OF EARTHQUAKE DRILL
February 21, 2019
Jesus Dela Peña National High School
JDPNHS eLearners
SY 2018-2019
Grade 7 144
Grade 8 180
Grade 9 196
Grade 10 149
TOTAL 669
MSHS eLearners
SY 2018-2019
Grade 7 36
Grade 8 30
Grade 9 26
Grade 10 0
TOTAL 122
eLearning Center
JESUS DELA PEÑA NATIONAL HIGH SCHOOL
Address: L. Victorino St., Jesus Dela Peña, Marikina City
Tel. #: 358-57-90
Contact Person: JANE ETHEL S. DAVID, eLearning Coordinator

MARIKINA SCIENCE HIGH SCHOOL
Address: Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City
Tel. #: 369-74-88/647-94-57
Contact Person: EFREN R. MANZANO, eLearning Coordinator
Other Related Site
Technical Support
sdo.elearning@gmail.com

Stakeholder